MALAS!!!

Minsan ang malas kapag dumating may dalang bwelo… hindi kuntento sa isa kundi sunod-sunod na kamalasan. Nung Friday at Saturday para akong tinambangan ng tinatawag na Murphy’s Law – if something can go wrong, it will – at ng kasabihang when it rains it pours.

Nagsimula ang Biyernes ko na parang ordinaryong araw, nagising ako ng 6am at nag-almusal (the usual – several cups of coffee and sticks of yosi). Ayun na nga surf-surf habang nagkakape, nag-simulang magtapos ng post na balak kong ilabas that day. Tumawag si Fay mula sa kanyang study room — BU!!!! Wala akong internet connection. Ayun na nagsimula na. Syempre nagtaka ako pareho naman kami naka wifi pero di nadedetect ng laptop nya ang signal ng aming router. Sinubukan kong isaksak ang wire ng LAN namin… wala pa din. Adjust-adjust sa settings ng internet connections sya. Naka-auto na lahat at binura ko na ang LAN settings ng UP… wala pa din.

Awts, di na ‘to kaya ng alam ni Selvo, tawag na ng reinforcement. Ayun tinawagan namin yung nag-aayos ng mga IT chuva ng office ko. Ayos! tuturuan nya daw ako ayusin ang settings ng router. Nagbigay ng instructions over the phone.

Naging parang may ka-SOP ako… Ahhhh…. Ohhhhh…. Ito ba? Bubuksan ko na ba? Tatanggalin ko? … Ipapasok ko ba? …. Ahhh…. Ayan na! Subalit nung subukan ko sa laptop ni Fay wala pa din. Hay! So balik ako sa laptop ko … nahulog ako sa upuan… pati laptop kong naka-connect ay wala na ring nadetect na wifi – sinaksak ko rin ang wire ng LAN – wala din. Hala! ano ‘to sore eyes at biglang nahawa ang laptop ko. Konting trial and error pa nakuha ko rin na makaconnect sa LAN – pero wala pa rin wifi. Ok na muna yon basta makapagsurf lang si Ma’am Fay para sa kanyang thesis over the weekend.

Tanghali na nun, kaya pasok sa opisina. Pagdating ko dun andun ang IT team sa PC ko kinakalikot – Naku sir sunog po ang memory ng desktop nyo kailangang palitan. So di ko magagamit ang desktop ko habang di pa nabibilhan ng memory. Ayus! Sabay lumapit ang aming magiting na admin – hihiramin po ang laptop nyo para sa seminar over the weekend hanggang Wednesday. Hala!!! Paano na ito!!! Makigamit na lang daw muna ako ng pc ng iba. Medyo kinabahan ako dun kasi namumuro na ako ng 2 araw kakapatay ng virus na Knight.exe na kumakalat sa office namin. Wala pang lunas para sa virus na ito. Yokong madisgrasya mga files sa flash drive at external memory drive ko.

Tapos excited ang lahat sa araw na yun kasi yun ang araw na naset-up ang internet access at LAN ng office. Abot tenga ang ngiti ni Taroogs na noon ay nanginginig na dahil isang linggo nang walang internet. Subalit… datapwat… ngunit… di tumagal ang saya dahil marupok ang internet connection… panay ang bitaw… talo pa ang dial-up sa bagal… tsk-tsk-tsk. Sinubukan ko rin ang connection ko… patay! Well, that’s life kako. Ganun natapos ang Biyernes ko.

Yun na nga kinabukasan pagka gising ko… suspended ang Nomadic Thoughts. Hehehe feeling ko para akong tambakan ng basura na tinambakan ng sabay-sabay ng sandamakmak na malas.

Simula nung Saturday napaayos na namin ang internet connection sa bahay. Sumpa ko talagang ipapaayos ko na ang desktop ko sa bahay para di na ako aasa sa laptop ng opisina. Na-lift na rin ang accidental suspension ng blog ko at may bonus pa ako dahil nakagawa ako ng bagong blog. Sana mamaya marelease na ang budget para sa memory ng desktop ko sa office para maayos na ito… crossing my fingers (kahit isama pa ang legs). Sana maayos na rin ang internet ng office. Eto nga gamit ko desktop ni Taroogs at nagmamadaling matapos ang post na ito bago magsidatingan ang mga tao sa opisina at magsimulang magloko ang connection.

Siguro naman na-abot ko na ang quota ng malas para sa buwang ito or better para sa taong ito. When you hit rock-bottom, there is no where to go but up.